God is my TRUCK!

Ondoy

September 26, 2009. Ang araw ng hagupit ni Ondoy.

Well, naalala ko lang last year yung nangyari.. Grabe kasi diba..? tapos kami ng nanay ko nakikipagsapalaran din nung mga panahong yan. Major-major ang baha na nilusong namin sa Katipunan Ave. Tapos sa bahang yun may mga snails, sanga, at ang hindi mawawalang yellow submarine. Haha!

Sa pakikipagsapalaran namin yun ng nanay ko, nagkaron din kami ng bonding.. sabi ko nga, “God, salamat po kay Ondoy.. kasi nakabonding ko nanay ko.” Atut.

Okay, balik na tayo dun sa paglusong namin sa baha. Sa paglusong naming yon, marami ring kaming kasabay na naglalakad. Hanggang sa may dumating na truck.. Nagpapasakay sila sa mga nahihirapang lumusong. Syempre mahirap lumusong sa baha diba? Kaya sumakay kami ng nanay ko dun. Sa truck na yun, may mga basag na bote. Kaya mahirap din, kasi pipili ka ng pagpwesto mo. And then yun.. hanggang sa nakarating na kami sa SM Fairview at nakauwi na sa aming mansion at nakapagpahinga.

Nung gabi na, sinabi ko kay God na, “Dad, para pala kayong truck no? Pinapasakay Niyo ko pag nahihirapan akong lumusong sa ‘baha’ ng buhay ko. At pag nakasakay na ko, although may mga ‘basag na bote’, still I know na makakarating ako sa ‘mansion’. Mansion with You..”

Kaya nung gabi yon, hindi ako namroblema sa Ondoy.. For I know na kahit anong baha ang mangyari sa buhay ko, may Dad is with me. :))

Advertisements