He changed me..

He changed me. He really did. Pag-naiisip ko yung ako dati. Yung ako na napapa-“huh?” sa mga taong may Hesus sa puso nila, napapangiti ako.. Kasi hindi ko akalain na magiging isa din ako sa kanila.. :))

3 years ago:
“Ngek. Bakit sa Bible School Tita? I’m sure may Bible subject dyan..” Hindi nga ako nagkamali. Bible 101 – 2 units. Chapel Hour every Monday at 4:00 pm. Cellgroup every Wednesday at 4:00 pm. Sabi na nga ba e. Punong-puno ng mga kakaibang aktibidades dito. Hindi lang Bible subject.

Friday:
“Jonne! Punta tayong church mamaya..”
“Bakit? Anong meron?”
“Youth Fellowship. Basta punta tayo ah?”
“Osige.. Text mo na lang ako.”

Youth Fellowship:
Praise and worship. May mga kumakantang nakapikit. Meron ding mga nakataas pa ang kamay. Bakit kaya sila ganto? Bakit kaya sila baliw na baliw kay God? I know na magaling Siya, I know that He created heaven and earth.. pero bakit ganun sila?! Anong dahilan at ganun sila?! Ano?!?

August 7, 2007. Bible 101.
“We are loved unconditionally. By who? By God. God loves us very much. Drug addict ka man, tanggero ka man o kahit ano ka pa. He really, really loves you. That’s why He sent His Son Jesus.. and everybody needs Him! Ako, ikaw, tayong lahat.” I don’t know why. Pero nung narinig ko yan, my heart beats fast. Pag-uwing pag-uwi ko sa bahay, I pray. I confess. I repent. I ACCEPT. :))

Now, I’m one of them. One of those people na sobrang crazy-in-love kay God. Knowing God is the best thing that ever happened in my life. :))

Advertisements