God vs. Ran Online

Ran Online. Ang larong major-major kong kinaadikan. Hindi ko na mabilang kung magkanong salapi ang nagastos ko dito. Dumating yung time na hindi na ko naliligo, kumakain at natutulog just to play this game. Grabe diba? Makita ko lang maganda ang character ko, busog na ko. Haha!

Now, napagtanto na playing Ran Online is like a commitment to God. Paano? Una, pag naglalaro ka ng Ran kailangan active ka palagi.. Kasi kung hindi ka aktibo, mahuhuli sa paglevel-up ang character mo. Pag kay God, kailangan active ka rin para lalo kang lumalim sa Kanya.. Kasi kung hindi, hindi ka mag-go-grow spiritually.. At ikalawa, sa Ran kailangan ibuhos mo lahat ng pera mo.. Bibili ka pa ng E-points para lalong lumakas ang character mo. ‘Pag kay God kailangan mo ng major-major pamasahe at pangkain, lalo na kung sa Almar Caloocan ka nakatira tapos ang church mo sa Pasay pa, kailangan talaga may dala kang pangkain. Pero merong isang malaking pagkakaiba sa paglalaro ng Ran at sa relasyon kay God: Pag naglalaro ka ng Ran, lahat nasasayang. Pero pag kay God, WALANG NASASAYANG.

Advertisements