ONE DAY.

Nung bata pa ko mahilig akong umiyak. Puhunan nga tawag sakin ng Nanay ko e. Puhunan ko daw ang pag-iyak ko. Madalas kasi kong maginarte. Kaya iyakin talaga ko noon. At sa mura kong edad, natatanong ko na sa sarili ko, “Kelan kaya ako iiyak na hindi galing sa sama ng loob?”

Voice: One day, I’ll comfort this girl and turn her sorrow into happiness..

When I was in grade school lagi akong naglalakad papasok. Ang masaklap nun, alas kwatro palang ng madaling araw naglalakad na kami ng Kuya ko. Sa paglalakad ko andami-dami kong naiisip. Andyan yung “Sana hindi kami ma-late.” “Sana absent si Teacher.” “Sana pumasok yung crush ko.” at ang higit sa lahat “Nakakapagod maglakad, hanggang kelan ko kaya lalakarin ‘tong kalyeng’to?”

Voice: One day, this girl will walk to My paths..

Nung nag-high school na ko, mahiyain akong tao. Ayokong nagpapakila sa harapan. Yung tipong gusto kong bigla na lang akong mawala, tapos pag tinawag na ko ang bigat-bigat ng pwet ko. Pag nasa harap na ko, gusto ko ng mag-disappear! “AYOKO NA!”

Voice: One day, this girl will stand up for My name.. 🙂

Grabe.. Simula pala noon pa, God knows everything about me. Kung paano ko umiyak nung bata pa ko, kung pano ko dinadaanan ang mga iskinita pagpapasok na ko, kung pano ko ipakilala ang sarili ko nung high school.

#KiligMuch 😀

Advertisements