Strike Two

My another electric failure. Haha! Nagtataka na talaga ko sa sarili ko. Lagi na lang akong nakakaputok ng kung anu-anong electronics! Pero impernes ah.. Mas malala ngayon.

The Story:

Every night lagi akong nakikisaksak sa tiyahin ko ng DSL niya sa laptop ko. At sa katamaran kong lumabas ng bahay (sa labas pa kasi ng bahay ang saksakan ng DSL), sa bintana ako pumwesto at nagsaksak. Sa hindi inaasahang pangyayari, pumutok ng pagkalakas-lakas ang aking pinagsasaksakan! BOOOOG! Grabe! Lahat ng kuryente sa bahay ng tita ko nawala! Nabulabog silang lahat. Pati mga kapitbahay nabulabog din! Nagalit na naman sila sakin.

Tita: Katamaran mo kasi! #@!”&*?!#@ ka!
Lola: Naku, ‘eto talagang batang ‘to! Purwisyo!
Nanay: Impakta ka kasi e! Katamaran mo.
Jonne: Hindi na nga ko hahawak ng kuryente.. (Teka, nahahawakan ba ang kuryente? Haha.)

Hays.. Another nonsense words na naman ang ibinato nila sakin.. pero syempre hindi ko sinalo.. :)) Duh?! Beautiful words lang kaya ang sinasalo ko.

#JustAnotherStoryToTell

Advertisements