I Can’t Imagine!

Nagiging emotional na naman ako. Naiisip ko kasi yung ako dati.. yung ako na ang tingin sa sarili ay walang silbi sa mundo.. ‘Pag naiisip ko yun sobrang laki na ng difference ko, ibang-iba talaga yung ako dati sa ngayon. Grabeng changes ang ginawa ni God sa buhay ko.

Dati naalala ko ‘pag pauwi na ko galing school, habang naglalakad ako iniisip ko kung anong magiging future ko. Sobrang worry ako pag ang usapan ay tungkol sa future. Ang iniisip ko kasi, wala na kong future. Haha! But that’s true, sobrang hopeless ako. Para sakin dati, hiwalay ang parents ko, magulo ang family ko, therefore I conclude magulo rin magiging buhay ko. Haha! Grabeng conclusion diba? Pero ngayon eto na ang conclusion ko. Hiwalay parents ko, magulo family ko, I have God, therefore I conclude my life will be successful. Whoa! O diba? Ang laki ng difference? Iba talaga ‘pag si God ang nagbago sayo. And I’m so grateful na I let Him entered my life. Yun ang bagay na kahit kelan hindi ko kayang pagsisihan. Why? Kasi hindi ko na kayang mawala si God sa buhay ko. I can’t imagine my life without Him. 🙂

Advertisements