PILIPINAS.

PILIPINAS.

I’m proud to be a Filipino. Dati hindi e.. As in. Kinamumuhian kong maging isang Pilipino. Andyan yung pinagpaplanuhan ko pang magkapamilya sa ibang bansa, at never ng bumalik dito. Hehe. Grabe ako diba? Walang-utang na loob. But when I came to know God, I came to know why I’m here. Kung bakit dito Niya ko sa bansang Pilipinas nilagay..

Tulad nga nung nasa “What? Give Up?!” entry ko may reason kung bakit ako nilagay ni God sa family ko, at syempre may reason din kung bakit sa Pilipinas Niya ko nilagay and nireveal ni God sakin yung reason nung anniversary ng Church namin.. [Doulos for Christ World Harvest Ministry @ 22. Our CAUSE: Nation Transformation] And the reason is this. Simple lang. TO TRANSFORM OUR NATION. Simple lang diba?

At sa pag-aaral ko ng reason ni God, eto yung mga bagay na gagawin ko:

1. Bilang isang babae: I WILL LIVE WITH INTEGRITY. Sa natutunan ko sa aking Encounter with God, “Women with integrity is dignified. “

2. Bilang anak: Magiging isang mabuti at mabait na anak. Pag inuutusan, sunod agad. WALANG REKLAMO. Hindi tatamad-tamad.

3. Bilang isang estudyante: Magiging isang mabuti at ma-prinsipyong estudyante. Gagalingan ko sa lahat ng subjects ko, magiging friendly ako sa mga ka-classmates ko and I WILL HUMBLY LISTEN TO MY PROFESSORS. Hindi ako magiging pasaway.

4. Bilang isang mamamayang Pilipino:
Una. Hindi ako magtatapon ng basura kung saan-saan. Sabi nga ni Bayani Fernando, “Munting basura, ibulsa.” Bulsa o bag ko ang gagawin kong basurahan pag nasa labas ako. Hindi ang kalye.
Ikalawa: Tatangkilikin ko ang mga produktong gawang PINOY!
Ikatlo. Hindi ko ikakahiya na Pilipino ako. PILIPINO AKO!

Ang pinaka-mahalaga sa lahat.
5. Being one of God’s chosen people:
Una. I will love and serve other people. Wala akong pipiliin na kategorya. Mayaman man o mahirap. Koreano man o Hapon. Wala. Basta tao. :))
Ikalawa: I WILL WIN SOULS and MAKE DISCIPLES.
Ikatlo: To MAKE EVERY BELIEVER a LEADER of LEADERS. [Parang yung nasa tarpaulin lang ng cinema sa Masagan Mall] Haha.

AKO ANG SIMULA NG PAGBABAGO.

Advertisements