God’s Masterpiece.

May bago na naman akong pimple. Hays. Kelan kaya matatapos ‘to? Hehe. Sabi nila maganda na daw sana ko kung wala akong mga pimples. Well, hindi naman importante sakin kung marami akong pimples o wala. Feeling ko nga lalong napapansin ang kagandahan ko sa mga tagyawat ko. Haha!

Paano mo ba malalaman kung pangit o maganda ang isang tao? Sa labi niyang malapad o sa mukha niyang magulo? Hmmm. Tao lang naman ang tumitingin sa panlabas na anyo. Meron dyan, “Tingnan mo oh, kakaiba yung ilong niya.” meron din dyan, “Ang tangkad pero negra.. ” at ang pinaka madalas kong marinig “Maganda nga.. pero maliit.”

Well, para sakin hindi mahalaga yung sinasabi ng mga tao about our physical appearance. Ang importante yung sinabi ng Creator natin nung ginawa Niya tayo. “Yan, ang ganda ng pagkaka-gawa ko kay _________. [your name]” Kay God kasi hindi naman importante kung maliit ka, kung negra ka o kung malapad pa yung labi mo.

We will always be His masterpiece. 🙂

Advertisements