Eating with One Chopsticks.

Reading is a part of my lifestyle. Kumabaga hindi kumpleto ang araw ko ‘pag hindi ako nakakabasa with interest. Yung gusto mo talagang basahin. Kasi araw-araw naman nakakabasa tayo diba? Sa text, sa TV, pero sakin iba. Gusto ko araw-araw may nababasa akong may matututunan ako..

Naalala ko pa nung sa Mandalulyong pa kami nakatira.

Pupunta ko ng SM Megamall and my spot? Wala ng iba kundi sa Powerbooks. ‘Pag nandun na ko ‘di ko na namamalayan kung anong oras na. Pupunta ko dun ng may liwanag pa, ‘pag alis ko madilim na. Hay. Namimiss ko tuloy.

Okay enough. This entry is about sa isang libro. Isang libro na nabasa ko sa National Bookstore sa Camarin. Entitled Eating with One Chopsticks. Naiinis nga ako kasi nabasa ko ‘to e. Bakit?! Kasi habang binabasa ko ‘to umiiyak ako. Can you imagined that?! Habang nagbabasa kong nakatayo tumutulo ang tears ko at hindi ko alam kung pano ko siya pupunasan. Wish ko lang walang nakakita sakin nung mga oras na ‘yon.

Well, this book is about sa isang girl na walang tatay. Ewan ko kung bakit naka-relate ako. May Tatay naman ako. Pero alam ko kung bakit na-touch ng librong ‘to yung heart ko. It’s because this book tells that kahit wala kang Tatay, there is Someone in heaven na wala ka pa sa mundong ‘to Tatay mo na. Hays. Naiiyak na naman ako. Iyakin? Hehe. Hindi ko pa nababasa ang lahat sa librong ‘to. Pero alam ko na maganda ‘to.

Advertisements