The 4 YEARS.

August 7, 2007. How can I forget the day when I accepted the Lord Jesus Christ in my heart?

4 years na kong Christian at sa 4 years na yun, hindi ko masasabi na hindi ko Siya na fail. In the past 4 years there so many times na na-fail ko Siya. 2009 was the hardest year. I remember a one-week straight crying every night. Umiiyak ako kasi there’s so many failures na parang di na maayos. May mga tao din na akala mo makakatulong sayo. I’m so sad, sadder, saddest at that time. (Haha. LOL.)

There’s so many failures na nangyari. Away. Sakitan. At ang pinakamasakit, the people you choose to love is the one who made the deepest scar in your heart. Oha! Nahirapan akong i-english yun ah and then yun na nga. One night, I found myself talking to God.

Jonne: Dad, I know You’re able. Able to take this pain away. Able to make me new. Able to make my life more meaningful.
Daddy God: Yes Jonne. I am.
Jonne: Then make me new.
Daddy God: But first..
Jonne: But first what?
Daddy God: Give up everything for Me.

Without asking questions. I give up. And yun yung eksaktong oras na naisip ko na God is just waiting for me. He’s been there all the time. Yung mga oras na umiiyak ako. Yung mga oras na hindi ko na alam ang gagawin ko. And most of all, He’s been there sa mga failures ko. That’s the time na nagbago ako. The way I talk, the way I dress, the way I act, the way I speak. And maraming tao ang nakapansin nun. Yun yung time na naramdaman ko na napakasarap ng feeling ‘pag alam mong kumikilos si God sa life mo. Hindi lang ikaw ang nakakapansin. And you know what? Lumaki ako na hindi ko napapakita sa family ko na mahal ko sila. Pero ngayon, hindi ako napapakali ‘pag hindi ko natetext ang Nanay ko sa gabi ng “I love you Mi. :)” ‘Pag hindi ko nayayakap ang Tatay ko sa umaga, ‘pag hindi ko na-po-po at opo ang Ate at Kuya ko. Hays. There’s so many changes na ginawa ni God sa life ko. As in. And I’m sooooooo happy. Kay God ko lang nakita yung mga bagay na wala ako. When I learned to love God, I learned to love other people as well.

Oh diba? Andaming nangyaring hindi maganda. Pero sa kabila ng mga pangit na nangyari, na-experience ko kung gaano kaganda ang pagmamahal ni God sakin.

I know marami pang pagsubok. But I know that God is with me hanggang sa huli. 😀

Advertisements