Preparing for the One

Apat na taon na kong sumusulat. Sumusulat sa taong hindi ko pa alam kung sino. ‘Pag nababasa ko yung mga sulat ko sa kanya, kinikilig ako na natatawa. Ano kaya magiging reaksyon niya sa mga sulat ko. Sa kabila ng pagsulat ko sa bus, sa iba’t-ibang branch ng Mcdo, sa PICC, sa office, sa pintuan ng parador ko at kung saan-saan pa, ngayon ko pa ba iisipin yun? Hahaha. Sa totoo lang excited lang talaga ko sa pagbasa niya nun. Ayie.

Today, andami ko nang nakikitang In a relationship, Engaged and Married sa facebook feed ko. And naiitatanong ko sa Lord when will be my time. At ako rin ang sasagot ng tanong ko. “Marami pa kong kailangang paghandaan..”

True. Marami pa. Kung pinaghandaan ko siya sa pagsusulat ko sa kanya, gusto kong paghandaan siya ng buong-buo hindi dahil para maging ready lang.. As I prepare myself to be with him, I’m preparing to the One who will guide us in our relationship. To the One na dapat talagang mas paghandaan. ๐Ÿ™‚

Advertisements