It’s Bethella :)

What’s with Bethella?

It was Sunday, March 24, 2013 when Bishop Oriel is preaching about the Altars. (Altar of Moriah, Bethel, etc.) Pagkagaling ko ng service naisipan kung gumawa ng mga brooches from my old clothes, kaya nilabas ko ang mga anik-anik (buttons, beads, etc.) ko. Tahi dito, tahi doon. While I’m doing that, I’m talking to God and asking Him kung ano yung gusto Niyang gawin ko sa ability na ‘to na binigay Niya. Edi i-business ko daw. And naalala ko yung preaching and ask Him, “What’s with that Lord?” Bigla kong naalala na kung magdedeclare ka din naman, lagyan mo na ng pangalan. Kaya nag-draft ako ng pwedeng ipangalan sa business using the name of the altars. “Lord, ano pong maganda? Yung Moriah o yung Bethel.. Parehas naman yung maganda..” Then I noticed myself writing Bethella. Bigla kong pumasok sa room, nandun yung leader ko, then I said to her, “Alam ko na Te, Bethella.” “Ang alin?” She asked. “Name ng business ko.”

Pagsapit ng umaga, papasok ako ng office and thinking about that when my leader texted me, “Bethel – House of God, Ella – Beautification” And that’s when God revealed to me kung paano ko magagamit yung ability na binigay Niya.

Bethella is for beautification of the House of God. 🙂

Advertisements