A Letter For Me. Haha!

My Dearest Luigi Jonne,

How are you? It was year 2007 nung makilala mo ako. Ako yung isa sa mga naging favorite mo noon dati and I still remember your smile ‘pag nakukuha mo ang sagot sa tanong ko. Minsan nga napapapalakpak ka pa at sabay sabing “Galing!”

Dahil sa sobrang pagkagusto mo sakin naisip mo pa noon na gagawa ka ng isang bagay using me.
At natuwa ako, kasi may pangarap ka sating dalawa.

It was on 2008 nung nakalimutan mo na ako, yung tipong parang di ako nagexist sa isip at mga pangarap mo. Nasaktan ako kasi sa simula ka lang pala interesado. Hindi mo na ko inalala pa.

Lumipas na ang mga taon, at 2012 yun nung naencounter mo ulit ako, pero para kang nagka-amnesia, kahit isa sa mga tanong ko hindi mo na masagot. At pag tinitingnan mo ko, hindi mo na talaga ko natatandaan. Ang masakit pa dun, madalas mo kong sukuan.

Ngayon, masaya ko na naalala mo na ang lahat. Naalala mo na ang mga statements ko, ang mga conditions ko, ang gamit ko at marami pang iba. Nakita ko na ulit ang smile mo sa pagsolve sa mga tanong ko. Ngayon, ituloy natin ang naudlot nating pakikitungo sa isa’t-isa. Masaya ko kasi ngayon, alam ko na nag-grow ka talaga, at hinding-hindi mo na ko basta-basta susukuan. ๐Ÿ™‚ Let’s have this journey until ma-master mo ako.

Nagmamahal,
PHP

Advertisements