Guarding Your Heart

Above all else, guard your heart, for everything you do flows from it.

Proverbs 4:23

These past few days, God has been teaching me kung ano pa yung mas malalim na ibig sabihin ng guarding your heart.. At sa mga sitwasyon na meron ako right now, dun pinakita sakin ng Lord na ang pag-ga-guard sa heart is not just about emotions. Hindi tulad ng inaakala ng marami. Malapit ko nang matapos yung iLove na book, and ang pinakaunang inintroduce sakin ng Lord through that book is that a woman after His heart knows how to guard her heart. And yung pag-ga-guard na yun is hindi lang sa nararamdaman mo.. Kundi sa lahat.

While reading that book, nakita ko na hindi pala ko ganung kaingat sa puso ko.. Kasi kahit na pinipigilan ko yung sarili kong maginvest ng emotion sa isang tao, I allow things in my heart na hindi pleasing sa Lord. Nakita ko na may mga bagay na palang mas importante sakin kesa sa Lord, yung mga bagay na gusto kong gawin, yung pag-complete ko ng twelve, yung mga gamit ko sa office (haha!).. Minsan akala ko para pa sa Lord yung mga ginagawa ko pero hindi na pala.. Kasi pag naiisip ko na ibigay sa Lord yung success, yung mga bagay na meron ako, hindi ko kaya.. Dun ko nakita na ang guarding your heart pala is yung hindi mo ia-allow na may mga bagay na mas mahalaga kesa sa Lord. Yung tipong pag nagkaron ka ng kotse at hiningi ng Lord kaya mong ibigay. Yung tipong pag nagka144 ka pag inalis sayo kaya mo.. Yung tipong pagnagka-boyfriend ka at sinabi ng Lord na maghiwalay kayo, kaya mo pa rin.. Kasi hindi mo kakayaning hindi sundin ang Lord. Kasi mas mahalaga Siya e. ๐Ÿ™‚ Whew.

Just like what Hannah did. Kaya niyang ibalik sa Lord yung binigay ng Lord. Oha. And tonight, I do believe that God changed my heart. Kaya ngayon, kaya ko nang sabihin na “Bigyan Mo man ako ng mga magagandang bagay sa mundo, Ikaw pa rin ang pinakamagandang meron ako.” (with conviction.)

Advertisements