Usapang Value

One of the most beautiful things that my Dad taught me.

The Story:
My Dad is an artist, bata pa lang ako mulat na ko sa industriyang ito, hindi ko lang sinubukang magartista, showbiz e, haha! Kidding. My Dad is a painter, for real. πŸ˜€ Last February, nakabenta na naman siya ng painting niya, and for a treat, ibibili niya ko ng gusto kong Sharpies marker na set. Yey!

Habang nasa National Bookstore kami, tumitingin kami ng mga mamahaling art tools. And nung nakita ko na yung gusto kong Sharpie set, naisip ko sa 500 marami ng makakain dun (haha!) btw, 500+ ata yun. Nung naisip ko yun, sabi ko sa kanya, “Mahal pala Itay.” (Pero pagkain talaga nasa isip ko nyan XD) Then he said to me, “Anak, sa art, hindi naman kailangan mamahalin.. Wala naman sa gamit yung ganda.” Boom. Whew. Biglang nawala yung pagkain sa isip ko.. Oo nga noh? Hindi talaga kailangan mamahalin gamit mo, kasi yung ibang mga sikat na painter hindi din naman mamahalin yung gamit nila.. Pero dahil sila yung gumamit, nagmahal. πŸ˜€

Just like that GREAT LOVE. πŸ™‚ Ito talaga yun. Yung kahit anong tatak mo, because you are loved and created by God, dun tumaas yung value mo. Kaya in the end, hindi ko binili yung Sharpie set. πŸ˜€Β Mga highlighter na lang. Haha.

Advertisements