Kita Kita

Isa. Isa beses kong tinanong ang Lord kung baket.. Baket sa dinami-dami ng tao, ako pa. Ako pa yung hindi makaka-experience ng bagay na pinakahahangad ko.

Dalawa. Dalawang beses kong tinanong ang sarili ko kung anong dapat gawin para hindi ko maramdaman ang pinaka-masaket na pakiramdam na naramdaman ko. Haha.

Tatlo. Tatlong gabi ako umiyak sa Kanya. Umiyak ako dahil hindi ko na kaya, hindi ko na kayang magkunwari pa. Hindi ko na kayang sabihin na okay lang ako kahit hindi na.

Apat. Apat na beses kong pinigilan ang sarili ko na sabihin sa Itay ko na ayoko, ayoko, ayoko. Ayoko dahil kahit kelan hindi ko mararamdaman ang komportableng usapan.

Lima. Limang beses kong sinabi sa sarili ko na magiging maingat ako. Maingat sa pinagkatiwalang prinsipyo.

Anim. Anim na taon kong ipinalangin ang akala kong bubuo sa pagkatao ko.

Pito. Pitong konpirmasyon ang binigay Niya. Konpirmasyon na HINDI ang sagot niya sa panalangin ko.

Walo. Walong buwan kong dinala ang pagpapanggap na okay lang ako..

Siyam. Siyam na beses kong sinabi sa sarili ko na “HINDI man ang sagot, may aral akong napulot.. ”

Sampu. Sampung taon kong dinala ang kalungkutan na ngayon ay iiwan ko na.

Ngayon, bumalik tayo sa isa.

Hindi ko man naranasan o mararanasan pa kung anong pakiramdam ng buo ang pamilya, ISA lang ang masasabi ko, hindi ko man nakita ang pamilya ko na buo, nakita ko ang Panginoon na nakapagbuo. 🙂

Advertisements