Di ko alam.

7 years Jonne.
Pitong taon.
Pitong taon mong iningatan ang sarili mo sa loob ng maraming pagsubok.
Hindi madali.
Maraming nagkagusto at ginusto.
Pero sa kabila ng lahat ng yun, nakaya mo.
Nakaya mong sumulat sa kanya kahit alam mong hindi niya pa mababasa.
Nakaya mong buhatin ang mga dala mo kahit hindi niya alam na mabigat.
Nakaya mong magintay sa mundo kung saan ang iba ay nagmamadali.
Nakaya mong manalangin kahit alam mong hindi niya naririnig.
Nakaya mong hangaan siya sa kabila ng hindi niyo pagkikita.
Nakaya mong kumain mag-isa kahit hindi mo pa siya kasama.
Nakaya mong sumaya para sa kanya kahit alam mong nalulungkot ka.
Nakaya mong ipagkatiwala sa Kanya ang bagay na hindi mo pwedeng ipagkatiwala sa sarili mo.
At higit sa lahat..
Nakaya mong magmahal. Magmahal sa taong hindi mo pa man nakikilala alam mong handa kang sabihin na “Pinaghahandaan kita.”

Cheret.

Advertisements